Fely: Bida ng kwentong Banyaga. Bumalik dito sa Pilipinas mula Amerika upang tanggapin ang parangal na igagawad sa kanya. Tinatawag na artista ng mga ka-nayon nya. Nana Ibang: Kamag-anak ni Fely Duardo: Nagpatibok ng puso ni Fely. Isang guro sa kanilang paaralan na pinagtapusan.
Si Impong Huli ay isang matandang lampas na sa animapung taong gulang. Magaspang at kulubot ang kanyang mukha at nahukot na ang kanyang katawan dahil sa mga kahirapang dinanas sa buhay. Ang kanyang hamak na dampa ay nakatirik sa isang maliit na solar sa bayan ng san Roque. Butas-butasng mga dingding, bali-bali ang mga sahig na kawayan at ang bubong ay pinaglalagusan ng araw at ulan.
Si Impong Huli noong kanyang kabataan ay anak-mayaman. Sa gulang na humigit-kumulang sa dalawampung taon, siya'y napakasal sa isang mabait at ulirang lalaki. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng anim na supling, apat na lalaki at dalawang babae.
Ganap na sana ang kanyang kaligayahan sa buhay kung hindi lamang maagang kinuha ni Bathala ang kanyang kabiyak na si Mang Pepe. Bago binawian ng buhay ang asawa ay mahigpit na ipinagbilim kay Impong Huli na pakamahalin at papag-aralin anfg mga anak kahit na siya ay gumapang sa hirap.
Naging matapat sa pangako sa asawa si Impong Huli. Naipagbili ang kanilang mga lupain at nang makatapos ang pinakabunsong anak ay wala nang natira sa kanilang kabuhayan kung ang maliit na solar sa San Roque. Ang kanyang panganay na anak, si Amado ay isang tanyag na abogado, ang pangalawang si Octavio ay isang espesyalistang doktpr, ang pangatlong si Jose ay isang mayamang mangangalakal, ang pang-apat at panlima na kapwa babae ay mga guro at nagtuturo sa paaralang bayan at ang pinakabunsong si Alberto ay isang binatang manunukat ng lupa at dumayo sa Mindanao upang doon makipagsapalaran. Sa kabila ng kahirapan, si Impong Huli ay may isang natatanging kayamanan, isang Dasalang Perlas na binubuo ng anim na malalaking butil at sa pagitan ng malalaking butil na ito ay natutuhog nang sunod-sunod ang maliliit na perlas.
Si Impong Huli ay nag-iisang naninirahan sa kanyang dampa. Ang lima niyang anak ay sa Maynila naninirahan. Ang kanyang ikinabubuhay ay pag-aalaga ng mga baboy at manok at pagtatanim ng mga gulay na kanyang ipinagbibili ang ani. Isang araw, ang matanda ay nagkasakit at tanging ang kapitbahay niyang dalagang si Luring ang dumamay sa kanya. Sinulatan niya ang mga anak at sinabing siya'y may sakit. Sumagot sa sulat ang abugado na hindi siya makadadalaw sa ina dahil sa marami siyang ginagawa, ang doktor naman ay marami raw siyang pasyente, ang mangangalakal ay nagpadala ng P5.00 sa "giro postal" na hindi naman nakuha ng maysakit sa tanggapan ng koreo. Ang dalawang babae ay hindi sumagot sa sulat ng ina. Ang sulat kay Alberto ay bumalik dahil sa wala na ito sa dating tirahan.
Gumaling ang matanda sa talaga ng Diyos at hindi sa talino at bisa ng gamot ng doktor. Nang bumuti-buti ang pakiramdam ni Impong Huli ay naisipan niyang dalawin sa Maynila ang mga anak. Ang una niyang pinuntahan ay si Amado sapagkat ito ang panganay at siyang dapat unahin.
Wala sa bahay si Amado. Hindi maganda ang pagtanggap sa kanya na manugang na si Taeng at ng kanyang mga apo. Gabi na nang dumating si Amado na may kasamang kaibigan. Nagkainan at nag-inuman ang magkakaibigan. Hindi napansin ni Amado na may kasamang isang kaibigan nito ang nakapansin sa matanda at sinabing may bago pala silang alilang matanda. Hindi sinabi ni Amado na ang matanda ay kanyang ina. Iniba niya ang usapan at sinenyasan ang asawang si Teang na paalisin sa harapan ang matanda.
Kinaumagahan ay sinumnatan ni Impong Huli si Amado. Sumagot ito na nakahihiya ang hitsura ng ina. Gayon na lamang ang pagdaramdam ng matanda. Lumuluha siyang nagpapaalam sa mag-asawa. Pinipigil siya ni Teang ngunit pinagsabihan ni Amado ang asawa na pabayaan na ang kanyang ina sapagkat matigas daw ang ulo nito.
Ang sumusunod na tinungo ni Impong Huli ay ang bahay ng anak na si Octavio. Wala sa bahay ang doktor. ang kanyang manugang na si Leonor, isang mestisang instik na may masamang ugali ang sumasalubong sa kanya. Pagkamano ay iniwan na sa labas ng bahay ang matanda, hindi man lamang inanyayahan sa loob ng bahay ang biyenan.
Tanghali na nang dumating si Octavio. Natuwa ang doktor nang makita ang ina. Si Octavio ang pinakamalapit sa ina noong maliliit pa nag magkakapatid. Inanyayahan ni Octavio sa loob ng bahay ang ina at isinabay sa pananghalian. Habang sila'y kumakain ay nagdabog si Leonor at pumasok sa silid. Padabog na isinira ang pinto. Sinundan ni Ocavio ang asawa at narinig ni Impong Huli ang pagkakagalit ng dalawa. Hindi na nakakain ang matanda at nagpaalam na siya sa anak nang lumabas ito sa silid. Masama man ang loob ay pinayagan nang umalis ni Octavio ang ina. Lumuluhang umalis ang matanda.
Naisip ni Impong Huli na puntahan si Don Jose sa tindahan nito ng mga alahas sa Avenida. Ayaw siyang papasukin sa loob dahil sa kanyang maruming kaanyuan. Sa takot niya sa guwardiya ay lalo siyang napapasok sa loob ng tindahan. Nagkaroon ng kaunting kaguluhan kaya't napalabas si Don Jose mula sa pribadong silid nito. Nagkita ang mag-ina, tinawag ni Impong Huli ng anak si Don Jose ngunit hindi ito kumubo. Inakala ng mga taong naroroon na sira ang ulo ng maganda. Palihim na inutusan ng Don ang kanyang tsuper na dalhin sa kanyang bahay ang matanda at pagkapatapos ay sunduin siya at uuwi siya.
Ang dinatnan ng matanda sa bahay ng anak ay mag-inang katulong ng Don, sina Aling Salud at Juana. Hindi makapaniwala ang mag-ina na anak ng matanda si Don Jose dahil sa hitsura ni Impong Huli. Sa dakong huli ay napapaniwala rin ng matanda ang mag-ina. Habang sila'y nag-uusap ay nakalpas sa pagkakatali ang mabagsik at malaking aso ni Don Jose. Ito'y walang kinikilala kundi ang panginoong Don. Buong bangis na dinaluhong nito si Impong Huli at pinagkakagat. Hindi ito masawata ng mag-inang katulong. Tumakbo ang matanda patungong hagdanan hanggang siya'y nahulog at nagpagulung-gulong. Nawala ng malay ang matandang nahandusay sa puno ng hagdan. Putok ang kanyang noo na dinadaluyan ng masaganang dugo. Hindi parin siya nilulubayan ng pagkagat ng aso. Noon dumating si Don Jose. Pinalo niya ng kanyang baston ang asong nakasakmal sa binti ng kanyang ina kaya't binitiwan nito ang matanda.
Isinugod sa pagamutan si Impong huli at binantayan siya ni Aling Salud. Pinasabihan ni Don Jose ang mga kapatid na babae at kasama ang kanilang asawa ay dumalaw ang magkapatid. Hindi sila nagtagal sa pagamutan sa pagdadahilang marami pang gagawin ngunit sa katotohanan ay nagsipanood ng sine.
Nang magaling na si Impong Huli y pinuntahan ni Amanda at inanyayahang sa kanila tumira dahil ang sabi ni Don Jose ay walang makakasama ang matanda sa kanyang bahay dahil sa abala sa kanyang tindahan. Sa tahanan ng mag-asawang Amanda at Clemente at ng pito nilang anak ay mistulang alila ang matanda. Sa kanyang iniasa ni Amanda ang mga gawaing bahay.
Isang araw ay sinundo ni Loleng ni impong Huli. Nagtatampo raw siya at hindi man lamang magbakasyon sa kanila ang ina. Nagpaalam si Impong Huli kay Amanda at sumama kay Loleng. Nasiyahan si Impong Huli sa piling ni Loleng. Hindi siya pinagawa nito ng mga gawaing bahay kaya't naisip niyang napakabuting anak ni Loleng. Masinop at maayos sa pamamahay si Loleng.
Sa unang gabi pa lamang ni Impong Huli kina Lolen ay kinausap na siya ng anak at ng asawa nitong si Teong na bakit hindi niya pagbili ang lupa at bahay niya sa lalawigan at sa Maynila na manirahan. Kinasapakat ni Teong ang kaibigan niyang si Mr. Robles at pinalalabas nila ang mga mag-asawang Teong at Loleng ay may utang sa kanyang P500.00 ipinadala niya sa mag-asawang Teong at Loleng sa pamamagitan ng "giro postal" ang P400.00. Nang matanggap ng mag-asawa ang pera ay pinakin nila sa isang restaurant si Mr. Robles dahil sa mahusay nitong pagkakaganap sa kanilang sabwatan.
Lumipas ang isang buwan, nabalisa si Impong Huli na totoo ang mga sinabi ni amanda nang samahan siya nito sa tindahan nina Loleng. Nagkagalit ang magkapatid sa harap ng ina nang ayaw ibigay ni Loleng ang kalahati ng P400.00. Hindi natiis ni Impong Huli ang kanyang nasaksihan kaya't lumuluhang tumalikod ang matanda.
Hindi siya nakatulog nang gabing iyo. Nagmuni-muni siya kung ano ang kanyang naging pagkukulang bilang ina. Wala siyang naisip na pagkukulang sa mga anak. Nagkahirap-hirap siya sa buhay dahil sa kanyang pagmamahal, pagpapalaki at pagpapaaral sa mga ito.
Kinabukasan ay naisip niyang humingi ng payo sa abgadong si Atty. Gonzales. Sinabi niyang nais idemanda ang kanyang mga anak, papagbayarin sa kanyang ginugol sa mga ito, hindi sapagkat naghahahngad siya ng salapi kundi makilala ng mga ito ang ga kasamang ginawa nila sa ina. Pinayuhan siya ng abugado na huwag nang magdemanda sapagkat walang mangyayari sa ganoong kaso. Awang-awa ang abogadosa matanda.
Umuwi si Impong Huli na masamang-masama ang loob. Nang malapit na siya sa kanyang dampa ay may nakita siyang isang anino na di mapalagay sa loob ng kanyang tirahan. Nagmadali siya at sa pagmamadali niya ay nadapa siya. Kahit nanghihina ay pinilit tumayo ng matanda. Pagdating niya ay sumalubong sa kanya ang kanyang bunsong anak na si Alberto. Itinanong ni Alberto kung bakit gayon ang anyo at kalagayan ng ina samantalang marami siyang anak na mayaman.
Isinalaysay ni Impong Huli kay Alberto ang mga pangyayari at sinabi niya sa anakk na natatakot siya na baka magbago rin si Alberto tulad ng mga kapatid. Sinagot ni Alberto si Impong Huli na kung kaya ng kanyang mga kapatid na itinakwil ang ina ay ibahin daw siya dahil kaya siya lumayoat nakipagsapalaran ay para yumaman at hanguin sa kahirapan ang ina.
Lumipas ang mga araw, bumili ng lupa sa kanilang lalawigan si Alberto at pinatayuan nito ng isamg magandang bahay. Sa araw ng pagbabasbas sa bagong bahay kasabay ng kaarawan ng ina ay inanyayahan ni Alberto ang mga kapatid at ang pamilya nito gayundin ang kanilang mga kababayan. Wala man lamang nakaalaala sa limang magkakapatid na ang araw na iyon ay kaarawan ng kanilang ina.
Nang sumapit na ang pagdiriwang ay sinabi ni Alberto ang kasayahang iyon ay bilang pagpaparangal sa isang dakilang tao, ang kanyang minamahal na ina. Sinabi niyang sa kabila ng mga kahirapang dinanas ng kanilang ina, ang kanyang mga kapatid ay hindi man lamang nagpakita ng pagtanaw ng utang na loob sa magulang. Binigyan ni Alberto ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili.
Ang sabi ng abugadong di Amado, tungkulin daw ng isang ina na magtiis alang-alang sa kanyang mga anak. Ang sagot ni Impong Huli ay karapatan ba ng bawat anak na magpahirap at magwalang bahal sa kanyang ina. Ang sabi naman ng doktor na si Octavio ay wala siyang magagawa sapagkat ayaw niyang masira ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa. Ang tugon ni Impong Huli kay Octavio. "Kung mawala ang iyong ina ay wala na siyang makakapalit." Hindi nakakibo ang doktor. Humingi ng tawad si Don Jose sa ina gayundin ang dalawang babae. Tinawag ni Impong Huli ang mga anak at niyakap. Sinabi niyang pinatatawad na niya ang mhga ana. ang mga anak ay makatitiis sa magulang ngunit ang magulang ay hindi makatitiis sa anak. Masayang nagsalu-salo ang lahat.
Pagkaraan ng ilang araw ay idinaos ang kasal nina Alberto at Luring. Si Luring ang kapitbahay ni Impong Huli sa kanyang dating tirahan na laging dumaramay sa matanda. Siya nag pinili ni Alberto na maging kasama sa buhay dahil sa bukod sa talagang may pag-ibig siya sa dalaga ay napakabuti nito sa kanyang pinakamamahal na ina. Maligayang namuhay si Impong Huli sa piling ng mapagmahal na mag-asawang Alberto at Luring.
Si Serafin ay kailangang maging doktor dahil sa gusto ito ng kanyang ama. Habang siya'y naglalakbay, biglang tumirik ang kanyang sasakyan, binagyo at lumubog. Dinala siya kay Apo Lakay. Sabi naman ni Maan-Sip-Ok na siya ay masamang espirito. Sinabi ni Imay na iyon ay hindi totoo.
Naniwala naman si Apo-Lakay. Isang araw nagkasakit ang kapatid ni Imay na si Ulufa. Sinubukan itong pagalingin ni Serafin ngunit hindi siya nagtagumpay. Isinigaw na lang ni Imay na magaling na si Ulufa. Tinuruan si Serafin kung paano mamahay sa tribo.
Isang araw may nakita sila Serafin na taong pugot ang ulo at napagusapan nilang gantihan si Apo Dagni. Sa pagsugod niya nakakita si Serafin ng isang igorot. Sa takot ng igorot sinabi ng Diyos.
Nagulat at nagpasama si Serafin sa pari. Si Imay ay ipapakasal sa lalaki. Tuluyan ng nagkalayo ang loob nina Serafin at Imay. Isang araw balak silang bitayin ngunit sila ay nakatakas sa tulong ni Ulufa. Nagkaroon ng lindol at namatay ang mga taong tribo. Kahit na namatay na ang pari kanyang binigyan ng pangalan si Imay bilang Maria Trinidad at Valle Trinidad naman sa kanyang tinirahan.
Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon – kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
“Serbesa ba ‘kama, bata ka, ha?”
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. “Hindi masama’ng amoy, Nana.”
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
“Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!” at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
“Sino kaya’ng magmamana sa mga pamangkin mo?” tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. “Ang panganay sana ng Kua mo...matalino...”
“Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa ‘kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan...” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
“Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka...” ayon ni Nana Ibang.
“Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?” Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. “Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?”
“Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba’y gano’n dito?” at napangiti siya. “Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika...”
“Naiinip ka na ba/” agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
“Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila.”
“Ano? K-kahit gabi?”
Napatawa si Fely. “Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas? Ang totoo...”
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
“Ayan naman ang kubyertos...pilak ‘yan!” hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. “ ‘Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit...”
Napatawa siya. “Kinikutsara ba naman ang alimango?”
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana’y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya – ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
“Sa kotse n,” ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
“Ako nga si Duardo!”
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
“Bakit hindi ka rito?” tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. “May presidente ba ng samahan na ganyan?”
“A...e...” Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. ‘A-alangan...na ‘ata...”
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
“Natutuwa kami at nagpaunlak ka...” walang anu-ano’y sabi ni Duardo, “Dalawampu’t dalawang taon na...”
“Huwag mo nang sasabihin ang taon!” biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. “Tumatanda ako.”
“Hindi ka nagbabago,’ sabi ni Duardo. “Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang...”
“Menang?” napaangat ang likod ni Fely.
“Kaklase natin...sa apat na grado,” paliwanag ni Duardo. “Kami ang...” at napahagikhik ito. “Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...’
“Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
“Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon,” patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. “Ibang-iba kaysa...noon...”
“Piho nga,” patianod niya. “Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa ‘kong nagmamadali...”
“Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita...”
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.
Naunahan ng paggising at pag-iinat ng daungan ang pagsikat ng araw. Makakapal pa ang mga aninong buong higpit na yumayakap sa mga pintungang nangaroon ay nagsimula na ang mga yabag na payao’t dito, ang anasang unti-unting nagkatinig hanggang sa maging ingay, hanggang sa makiisa sa matinis na sipol ng kadadaong na bapor.
Nag-unahan sa andamyo ang mga bata ni Salamin. Nakatitiyak ang kanilang mga hakbang. Sapagkat ang mga bata ni Salamin ay mga bata ng Big Boss. Ang Big Boss ang nakaaalam sa mga bapor na lumabas-pumasok sa daungang yaon.
“Oras na nakapit ka kay Salamin… buhay ka na!”
“E ang Big Boss… hindi ko na ba kailangang makilala ang…”
“Bahala na si Salamin doon! Bago ka pa nga rito, oo!”
Malakas ang halakhak na isinagot ng Big Boss sa ikinuwentong iyon ni Salamin sa kanya isang araw. Samantalang buong inip silang naghihintay na maiahon ng kanilang mga tauhan ang mga kalakal ng kadadaong na bapor.
“Mabuti naman at nalalaman nila!”
“Mabuti na ang maliwanag antemano, boss. Mahirap nang masingitan pa ang katalo. Kung sa bagay e, ano naman ang magagawa ng maski sino, kung sakali?”
Nagtinginan nang matagal ang dalawa. May mahiwagang liwanag na kumislap sa kanilang mga mata. Biglang inalis ng Big Boss ang tabako niya upang hindi maibuga ng madagundong sa halakhak na yumanig sa namimintog niyang tiyan.
“Sigurado ka bang hindi ka masisingitan ng pakawala?”
“Mahirap na, Boss! Sakali mang makasingit, ano naman ang delito niya, aber? Sa payroll, anim na piso… may pirma siya!” Tumikhim muna sandali si Salamin. “Kung may reklamo siya, aba, magsumbong siya sa unyon!”
Hinintay ni Salamin ang muling pagyanig ng namimintog na katawan ng Big Boss sa isa pang madagundong na halakhak. Nagtaka siya nang ito’y ngumiti lamang nang bahagya, alanganin, dinampot ang malamig na inumin sa baso, lumagok nang makalawa, ibinaba ang baso, marahang iginuhit-guhit ang hintuturo sa malamig na “pawis” ng baso.
“Bago ako naging pangulo ng unyon ng mga trabahador, naging estibador ako, Salamin; bago iyon, nagtrabaho ako sa daan, at bago iyon…”
Biglang ipinukpok ng Big Boss ang baso ng inumin sa hapag. Lumigwak ang laman nito.
“Sa bawat isa niyon, sinamantala ako!”
Natapos ang hapong iyon nang walang imikan.
Nag-alala si Salamin na baka nagdamdam sa kanya ang Big Boss. Ngunit nang magkita silang muli kinabukasan ay naroon na naman ang ngiting humalili sa tabakong saglit na inalis niyon sa labi.
“Ikaw na nga pala ang bahala muna sa ilang bata natin sa unyon, Salamin. Magbabakasyon ako
sandali.”
“Siyanga pala, Boss, kilala mo na ba si Ventura, ang bago nating bata rito sa piyer? Kasapi na sa Unyon e.”
Ngunit ang Big Boss ay di dapat abalahin sa maliliit na bagay, gaya ng isang bagong tagapasan o ng isang bagong kasapi sa unyon.
Ang mahalaga’y kabilang na si Ventura sa “palakad”. Nakayungyong na sa kanya ang dambuhalang “palakad”: anim na piso isang araw sa payroll, limang piso sa bulsa – ang piso pang hindi niya maiuuwi kalianman ay maaaring tuntunin – marahil – kung lalapit siya sa unyon. Ang pangulo ng unyon ay ang Big Boss.
Sasabihin sana niya sa Big Boss: “Boss, ang Venturang iyon, baka makatulong natin sa unyon, mukhang matalino e. Tiningnan ko ang record. Nag-aral. Hindi nga lamang nakatapos sapagkat nag-asawa agad. Empleyado sana ngunit nabawas. Matagal na walang mapasukan kaya’t nag-laborer na lamang. Matagal na hindi kumibo nang ipaliwanag ko ang “palakad”. Ngunit pagkatapos ay pumirma rin sa anim na piso. Ngayon, ang gusto kong sabihin sa iyo, Boss, baka natin magamit si Ventura. Mabi-build-up natin sa unyon. E di pakikinabangan natin pagkakandidato mo sa pulitika. Hindi ba ‘ka mo iniisip mong magkandidato, total, sigurado ang botante mo dahil sa unyon?”
Matagal nang nakabalik ang Big Boss buhat sa pagbabakasyon nang mabuksan ni Salamin ang tungkol kay Ventura.
Pinagtiyagaan muna ni Salamin ang pakikinig at paghanga sa maraming bihag ng Big Boss sa huling lakad nito. Naulit na naman ang pagtatanong niya kung talagang hindi na ito lalagay sa tahimik: kung paano ito magkakaroon ng anak na sinasabing ibig na ibig nito?
Sa unang tanda ng pagkapagod nito sa pagbabalita’y maingat ngunit mabilis na ipinasok ni Salamin sa salitaan ang tungkol kay Ventura. Ipinakita niya sa Big Boss ang record card ng bago nilang tauhan. Patuloy ang pagbabalita ng Big Boss habang tinitingnan ang record card ni Ventura. Biglang
naputol ang pagsasalita nito at napatitig nang walang-kurap sa kanyang hawak.
“Akalain mo, Salamin? Akalain mo? Ang misis ng Venturang ito ay isa sa mga naging bata ko!”
Ayaw na sana ni Salaming ipagpatuloy ang mungkahi niya tungkol kay Ventura. Nag-alala rin siya sa maaaring mangyari. Ngunit ang Big Boss ngayon ang mapilit: nais niyang makita si Ventura. Nais niya itong makausap. Makilala. Nais din niyang makabalita tungkol sa maybahay nito. Hindi sa ano pa man. Kuryusidad lamang.
Ipinatawag ng Big Boss si Ventura. Ibig niyang makita ang sinasabi ni Salaming bagong tauhan sa daungan, ang bagong kasapi sa unyon, sapagkat ito ay matalino; sapagkat ito ay di gaya ng karaniwang tagapasan nila roon, sapagkat maaari niyang mapakinabangan ito kung sakaling matuloy ang binabalak niyang pagkakandidato, ngunit lalo sa lahat, sapagkat ito ang napangasawa ni Neneng.
Nagkunwari si Salaming nakalimot sa ipinagbilin ng Big Boss. Sumisidhi ang pag-aalala niya sa maaaring balakin nito sa maybahay ni Ventura. Ipinagpaliban niya ang pagsasama rito sa Big Boss, hanggang sa hindi na niya maipagpaliban pang muli.
Nang iwan ni Salamin si Ventura sa harap ng Big Boss, ito’y mapitagang nakatayo sa harap ng hapag na kinauupan ng Big Boss. Pinagmamasdan ng mga naniningkit na mata ng Big Boss ang nakatayo sa harap ng kanyang hapag.
Walang pagkagulat ang Big Boss sa kanyang nakita: itong talaga ang uri ng lalaking maiibigan ni Neneng, ang naisip ng Big Boss; hindi makisig hindi nakakatawag-pansin, tahimik, hindi kagugulatan: kabaligtaran niya.
Matagal nang nakalabas sa kanyang tanggapan si Ventura, matagal na niya itong nakausap tungkol sa maaari pa nitong gawin bukod sa pagpapasan sa daungan, ang Big Boss ay nakaupo pa rin sa harap ng malaki niyang hapag. Saglit siyang nagbalik sa lalawigan – doon sa kinatagpuan niya kay Neneng, noong ito’y maniwala sa kanya ng lubusan, umibig, umasa, naghintay – gaya ng di na niya mabilang ngayon kung ilan. Saan nagwawakas ang pag-asa at nagsisimula ang kamatayan ng pananalig? Kailan nag-uugat ang bagong paniniwala? Ang bagong pagmamahal?
“Kuryusidad lamang,” ang patawang sinabi ng Big Boss kay Salamin, nang magpadaan ito sa kanyang tsuper sa direksiyong nakatala sa record card ni Ventura.
Ngunit ang kuryusidad na iyo’y pinagmulan ng mga disukat akalain: ang mga nasasabik na tanong ni Salami’y nakatagpo ng di-inaasahang katahimikan; ang Big Boss ay kinapansinan ng pagwawalang-kibo, pagsusungit, pag-iinit ng ulo; si Ventura ay bigla na lamang nagpapaalam kay Salamin – nagyayaya raw pilit ang kanyang maybahay na umuwi sa lalawigan, sa di niya malamang kadahilanan.
Napagtulungan nina Salamin at Big Boss ang paghimok kay Venturang magpatuloy sa gawain sa daungan, gawaing tuntungan lamang sa pagtaas, paghawak ng mataas ng tungkulin sa unyon, pag-unlad, pagtatagumpay.
Si Salamin ay nasisiyahan bagaman nagtataka sa mga pangyayari.
“Ano ang sabi ko sa iyo, Boss, matalino si Ventura at pakikinabangan natin sa hinaharap.”
“Sayang at matigas ang kanyang asawa!” Sa tinig ng Big Boss ay may gumagapang na pagbabanta.
Matagal bago napag-alaman ni Salamin ang mga pangyayari. Unti-unti.
Nabigla nang gayon na lamang ang maybahay ni Ventura nang unang dumalaw sa tahanan nila ang Big Boss. Nagkahalo rito ang pangamba, ang poot, ang lamig at tigas ng bakal. Wala na ni munting bakas ang lumipas.
Ang laki ng mga tagumpay ng Big Boss sa maraming bagay ay nakatagpo ng walang-hanggang kabiguan kay Neneng: lubusan ang pagkapinid ng pinto sa kamalian, sa kabulagan ng kahapon: walang-kapantay ang pagmamahal, ang paggalang ni Neneng kay Ventura – walang makapagpapabago rito, ni ang pangamba sa mga pagbabanta, ni ang panganib ng sumpa’t pagtalikod ng kabiyak, kung sakali. Lalong di-nagkabisa ang maririkit na pangako ng tagumpay, kariwasaan, kasaganaan – para kay Neneng at Ventura, lalung-lalo na sa kaisa-isa nilang anak.
Ang minsang kabiguan sa isang nahirati sa mga tagumpay ay nagpapaulol dito. Nakikita ni Salamin sa mga mata ng Big Boss ang unti-unti ngunit tiyak na pagbabaga ng ulol na pagnanasa sa di-mangyayari.
Natiyak ni Salaming sadyang masama ang nangyayari sa Big Boss nang ito’y maglalagi sa kanila – upang kalaruin, upang sundan-sundan ng tingin ang kanilang anak. Alam nilang lahat sa daungan ang matinding pagnanasa nito sa isang anak, ang kawalan nito ng pamilya, ang walang-hanggang paghahanap nito sa mga ugat ng tunay na kaligayahan.
Napag-alaman din ni Salaming nabubuhos ang loob ni Big Boss sa kaisa-isang anak nina Ventura at Neneng – habang lalong ipinipinid nitong huli ang ano mang daan ng kanilang pagkikita. Ang totoo, kung kasama lamang ni Ventura ang Big Boss sa kanilang tahanan napipilitang pakihirapan ito ni Neneng. At nasasaksihan ng Big Boss ang buhay-mag-anak na kailanma’y hindi naging bahagi ng malalaki niyang tagumpay.
Lalong natiyak ni Salaming sadyang palubha nang palubha ang nangyayari sa Big Boss.
“Isama mo si Ventura sa ating… uhum… ‘paluwagan’.”
Kaya’t nang hapong iyo’y ipinarinig niya kay Ventura ang tungkol sa “paluwagan”. Dali-daling lumapit si Ventura kay Salamin at sa kausap nito. Bago umuwi si Ventura ay nakahiram ito ng limampung pisa buhat sa “paluwagang” may patubong beinte porsiyento.
May sakit ang kaisa-isang anak ni Ventura.
Patuloy ang paglagda ni Ventura sa anim na piso isang araw sa payroll, sa pag-uuwi ng lima, sa paghihintay na mataas ng tungkulin sa
daungan, sa unyon, sa pahina nang pahinang pangungunyapit sa mga gilid ng humihigop na “paluwagan”.
Nanatiling tuwid at maigting ang guhit ng mga labi ng Big Boss.
“Boss,” ang minsa’y napangahasang simulang sabihin ni Salamin, “kung talagang matigas ang asawa ni Ventura, mabuti pa kaya’y… total, marami ka namang iba riyan at…”
“Ngayon pa,” ang putol ng Big Boss , “ngayon pang naglulubha ang kanilang anak at baon na baon na sa utang si Ventura? Tingnan ko ang kasupladahan ng babaing iyon! Tingnan ko kung hindi maglulumuhod sa akin para siya ay tulungan!” Kakaiba ang tinig ng Big Boss. Hindi nakilala ni Salamin ang tinig ng Big Boss.
Ngunit nagpatuloy na nag-uulol ang baga ng kabiguan sa mga mata ng Big Boss.
Tanghali na’y wala pa si Ventura sa daungan, isang araw. Nang dumating ito’y tuloy-tuloy sa tanggapan ng Big Boss. Nakiusap, naglumuhog, upang makuha nang maaga ang suweldo niya kung maaari. Ngunit iyon ay labag sa palakad. Sana, makakuha pang muli sa “paluwagan”. Ngunit ang pagkukulang niya roo’y umabot na sa hanggahang ipinahihintulot ng palakad. Dali-daling umalis si Ventura. Litung-lito.
Agaw-buhay sa pagamutan ang kaisa-isang anak nina Ventura.
Matagal na napatingin si Salamin sa Big Boss sa kabila ng hapag. Tangan ng huli ang sobre ng suweldo ni Ventura na madaling nakuha ni Salamin sa kahero sa utos ng Big Boss.
“Akala ko, Boss, ibibigay mo iyan?”
“Sana nga, kaya, ipinakuha ko sa iyo, ngunit nagbago ang loob ko”
Lalong tumuwid at umigting ang guhit ng mga labi ng Big Boss.
“Darating siya! Darating siya!” ang anas na nanggaling sa tuwid at maigting na guhit.
Nagsimulang humihip ang hangin sa mga durungawan ng tanggapan. Ang mga ingay sa daungan ay unti-unti nang ginagapi ng palakas na salpok ng mga alon. Pahaba na nang pahaba ang mga daliri ng sari-saring aninong yumuyungyong sa mga pintungan.
Isang katok ang biglang nagpatayo sa Big Boss buhat sa kanyang hapag.
“Siya na!”
“Tuloy! Bukas iyan!” ang malakas niyang sabi. Pumasok si Salamin.
“Boss, dumating ang kumpare ni Ventura. Patay na raw ang anak niyon. Hindi naman pala anak ni Ventura iyon e; anak ng maybahay niya – sa una.”
Anak ng maybahay niya – sa una. Sa una. Sa una! Sa una!
Umikot ang mahahabang daliri ng mga anino sa silid. Umikot din si Salamin. Mula sa pagkakatayo, bumagsak ang Big Boss sa silya niyang umikot – ang buong silid, ang buong daigdig ay umikot.
Sa daungan, ang iba’t ibang ingay ay tuluyan nang nagasa ng mga naghuhumindig na alon ng nagngangalit na dagat.
0 (mga) komento:
Post a Comment