Dasalang Perlas ni Antonio Sempio (Buod)

Si Impong Huli ay isang matandang lampas na sa animapung taong gulang. Magaspang at kulubot ang kanyang mukha at nahukot na ang kanyang katawan dahil sa mga kahirapang dinanas sa buhay. Ang kanyang hamak na dampa ay nakatirik sa isang maliit na solar sa bayan ng san Roque. Butas-butasng mga dingding, bali-bali ang mga sahig na kawayan at ang bubong ay pinaglalagusan ng araw at ulan.

Si Impong Huli noong kanyang kabataan ay anak-mayaman. Sa gulang na humigit-kumulang sa dalawampung taon, siya'y napakasal sa isang mabait at ulirang lalaki. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng anim na supling, apat na lalaki at dalawang babae.

Ganap na sana ang kanyang kaligayahan sa buhay kung hindi lamang maagang kinuha ni Bathala ang kanyang kabiyak na si Mang Pepe. Bago binawian ng buhay ang asawa ay mahigpit na ipinagbilim kay Impong Huli na pakamahalin at papag-aralin anfg mga anak kahit na siya ay gumapang sa hirap.

Naging matapat sa pangako sa asawa si Impong Huli. Naipagbili ang kanilang mga lupain at nang makatapos ang pinakabunsong anak ay wala nang natira sa kanilang kabuhayan kung ang maliit na solar sa San Roque. Ang kanyang panganay na anak, si Amado ay isang tanyag na abogado, ang pangalawang si Octavio ay isang espesyalistang doktpr, ang pangatlong si Jose ay isang mayamang mangangalakal, ang pang-apat at panlima na kapwa babae ay mga guro at nagtuturo sa paaralang bayan at ang pinakabunsong si Alberto ay isang binatang manunukat ng lupa at dumayo sa Mindanao upang doon makipagsapalaran. Sa kabila ng kahirapan, si Impong Huli ay may isang natatanging kayamanan, isang Dasalang Perlas na binubuo ng anim na malalaking butil at sa pagitan ng malalaking butil na ito ay natutuhog nang sunod-sunod ang maliliit na perlas.

Si Impong Huli ay nag-iisang naninirahan sa kanyang dampa. Ang lima niyang anak ay sa Maynila naninirahan. Ang kanyang ikinabubuhay ay pag-aalaga ng mga baboy at manok at pagtatanim ng mga gulay na kanyang ipinagbibili ang ani. Isang araw, ang matanda ay nagkasakit at tanging ang kapitbahay niyang dalagang si Luring ang dumamay sa kanya. Sinulatan niya ang mga anak at sinabing siya'y may sakit. Sumagot sa sulat ang abugado na hindi siya makadadalaw sa ina dahil sa marami siyang ginagawa, ang doktor naman ay marami raw siyang pasyente, ang mangangalakal ay nagpadala ng P5.00 sa "giro postal" na hindi naman nakuha ng maysakit sa tanggapan ng koreo. Ang dalawang babae ay hindi sumagot sa sulat ng ina. Ang sulat kay Alberto ay bumalik dahil sa wala na ito sa dating tirahan.

Gumaling ang matanda sa talaga ng Diyos at hindi sa talino at bisa ng gamot ng doktor. Nang bumuti-buti ang pakiramdam ni Impong Huli ay naisipan niyang dalawin sa Maynila ang mga anak. Ang una niyang pinuntahan ay si Amado sapagkat ito ang panganay at siyang dapat unahin.

Wala sa bahay si Amado. Hindi maganda ang pagtanggap sa kanya na manugang na si Taeng at ng kanyang mga apo. Gabi na nang dumating si Amado na may kasamang kaibigan. Nagkainan at nag-inuman ang magkakaibigan. Hindi napansin ni Amado na may kasamang isang kaibigan nito ang nakapansin sa matanda at sinabing may bago pala silang alilang matanda. Hindi sinabi ni Amado na ang matanda ay kanyang ina. Iniba niya ang usapan at sinenyasan ang asawang si Teang na paalisin sa harapan ang matanda.

Kinaumagahan ay sinumnatan ni Impong Huli si Amado. Sumagot ito na nakahihiya ang hitsura ng ina. Gayon na lamang ang pagdaramdam ng matanda. Lumuluha siyang nagpapaalam sa mag-asawa. Pinipigil siya ni Teang ngunit pinagsabihan ni Amado ang asawa na pabayaan na ang kanyang ina sapagkat matigas daw ang ulo nito.

Ang sumusunod  na tinungo ni Impong Huli  ay ang bahay ng anak na si Octavio. Wala sa bahay ang doktor. ang kanyang manugang na si Leonor, isang mestisang instik na may masamang ugali ang sumasalubong sa kanya. Pagkamano ay iniwan na sa labas ng bahay ang matanda, hindi man lamang inanyayahan sa loob ng bahay ang biyenan.

Tanghali na nang dumating si Octavio. Natuwa ang doktor nang makita ang ina. Si Octavio ang pinakamalapit sa ina noong maliliit pa nag magkakapatid. Inanyayahan ni Octavio sa loob ng bahay ang ina at isinabay sa pananghalian. Habang sila'y kumakain ay nagdabog si Leonor at pumasok sa silid. Padabog na isinira ang pinto. Sinundan ni Ocavio ang asawa at narinig ni Impong Huli ang pagkakagalit ng dalawa. Hindi na nakakain ang matanda at nagpaalam na siya sa anak nang lumabas ito sa silid. Masama man ang loob ay pinayagan nang umalis ni Octavio ang ina. Lumuluhang umalis ang matanda.

Naisip ni Impong Huli na puntahan si Don Jose sa tindahan nito ng mga alahas sa Avenida. Ayaw siyang papasukin sa loob dahil sa kanyang maruming kaanyuan. Sa takot niya sa guwardiya ay lalo siyang napapasok sa loob ng tindahan. Nagkaroon ng kaunting kaguluhan kaya't napalabas si Don Jose mula sa pribadong silid nito. Nagkita ang mag-ina, tinawag ni Impong Huli ng anak si Don Jose ngunit hindi ito kumubo. Inakala ng mga taong naroroon na sira ang ulo ng maganda. Palihim na inutusan ng Don ang kanyang tsuper na dalhin sa kanyang bahay ang matanda at pagkapatapos ay sunduin siya at uuwi siya.

Ang dinatnan ng matanda sa bahay ng anak ay mag-inang katulong ng Don, sina Aling Salud at Juana. Hindi makapaniwala ang mag-ina na anak ng matanda si Don Jose dahil sa hitsura ni Impong Huli. Sa dakong huli ay napapaniwala rin ng matanda ang mag-ina. Habang sila'y nag-uusap ay nakalpas sa pagkakatali ang mabagsik at malaking aso ni Don Jose. Ito'y walang kinikilala kundi ang panginoong Don. Buong bangis na dinaluhong nito si Impong Huli at pinagkakagat. Hindi ito masawata ng mag-inang katulong. Tumakbo ang matanda patungong hagdanan hanggang siya'y nahulog at nagpagulung-gulong. Nawala ng malay ang matandang nahandusay sa puno ng hagdan. Putok ang kanyang noo na dinadaluyan ng masaganang dugo. Hindi parin siya nilulubayan ng pagkagat ng aso. Noon dumating si Don Jose. Pinalo niya ng kanyang baston ang asong  nakasakmal sa binti ng kanyang ina kaya't binitiwan nito ang matanda.

 Isinugod  sa pagamutan si Impong huli at binantayan siya ni Aling Salud. Pinasabihan ni Don Jose ang mga kapatid na babae at kasama ang kanilang asawa ay dumalaw ang magkapatid. Hindi sila nagtagal sa pagamutan sa pagdadahilang marami pang gagawin ngunit sa katotohanan ay nagsipanood ng sine.

Nang magaling na si Impong Huli y pinuntahan ni Amanda at inanyayahang sa kanila tumira dahil ang sabi ni Don Jose ay walang makakasama ang matanda sa kanyang bahay dahil sa abala sa kanyang tindahan. Sa tahanan ng mag-asawang Amanda at Clemente at ng pito nilang anak ay mistulang alila ang matanda. Sa kanyang iniasa ni Amanda ang mga gawaing bahay.

Isang araw ay sinundo ni Loleng ni impong Huli. Nagtatampo raw siya at hindi man lamang magbakasyon sa kanila ang ina. Nagpaalam si Impong Huli kay Amanda at sumama kay Loleng. Nasiyahan si Impong Huli sa piling ni Loleng. Hindi siya pinagawa nito ng mga gawaing bahay kaya't naisip niyang napakabuting anak ni Loleng. Masinop at maayos sa pamamahay si Loleng.

Sa unang gabi pa lamang ni Impong Huli kina Lolen ay kinausap na siya ng anak at ng asawa nitong si Teong na bakit hindi niya pagbili ang lupa at bahay niya sa lalawigan at sa Maynila na manirahan. Kinasapakat ni Teong ang kaibigan niyang si Mr. Robles at pinalalabas nila ang mga mag-asawang Teong at Loleng ay may utang sa kanyang P500.00 ipinadala niya sa mag-asawang Teong at Loleng sa pamamagitan ng "giro postal" ang P400.00. Nang matanggap ng mag-asawa ang pera ay pinakin nila sa isang restaurant si Mr. Robles dahil sa mahusay nitong pagkakaganap sa kanilang sabwatan.

Lumipas ang isang buwan, nabalisa si Impong Huli na totoo ang mga sinabi ni amanda nang samahan siya nito sa tindahan nina Loleng. Nagkagalit ang magkapatid sa harap ng ina nang ayaw ibigay ni Loleng ang kalahati ng P400.00. Hindi natiis ni Impong Huli ang kanyang nasaksihan kaya't lumuluhang tumalikod ang matanda.

Hindi siya nakatulog nang gabing iyo. Nagmuni-muni siya kung ano ang kanyang naging pagkukulang bilang ina. Wala siyang naisip na pagkukulang sa mga anak. Nagkahirap-hirap siya sa buhay dahil sa kanyang pagmamahal, pagpapalaki at pagpapaaral sa mga ito.

Kinabukasan ay naisip niyang humingi ng payo sa abgadong si Atty. Gonzales. Sinabi niyang nais idemanda ang kanyang mga anak, papagbayarin sa kanyang ginugol sa mga ito, hindi sapagkat naghahahngad siya ng salapi kundi makilala ng mga ito ang ga kasamang ginawa nila sa ina. Pinayuhan siya ng abugado na huwag nang magdemanda sapagkat walang mangyayari sa ganoong kaso. Awang-awa ang abogadosa matanda.

Umuwi si Impong Huli na masamang-masama ang loob. Nang malapit na siya sa kanyang dampa ay may nakita siyang isang anino na di mapalagay sa loob ng kanyang tirahan. Nagmadali siya at sa pagmamadali niya ay nadapa siya. Kahit nanghihina ay pinilit tumayo ng matanda. Pagdating niya ay sumalubong sa kanya ang kanyang bunsong anak na si Alberto. Itinanong ni Alberto kung bakit gayon ang anyo at kalagayan ng ina samantalang marami siyang anak na mayaman.

Isinalaysay ni Impong Huli kay Alberto ang mga pangyayari at sinabi niya sa anakk na natatakot siya na baka magbago rin si Alberto tulad ng mga kapatid. Sinagot ni Alberto si Impong Huli na kung kaya ng kanyang mga kapatid na itinakwil ang ina ay ibahin daw siya dahil kaya siya lumayoat nakipagsapalaran ay para yumaman at hanguin sa kahirapan ang ina.

Lumipas ang mga araw, bumili ng lupa sa kanilang lalawigan si Alberto at pinatayuan nito ng isamg magandang bahay. Sa araw ng pagbabasbas sa bagong bahay kasabay ng kaarawan ng ina ay inanyayahan ni Alberto ang mga kapatid at ang pamilya nito gayundin ang kanilang mga kababayan. Wala man lamang nakaalaala sa limang magkakapatid na ang araw na iyon ay kaarawan  ng kanilang ina.

Nang sumapit na ang pagdiriwang ay sinabi ni Alberto ang kasayahang iyon ay bilang pagpaparangal sa isang dakilang tao, ang kanyang minamahal na ina. Sinabi niyang sa kabila ng mga kahirapang dinanas ng kanilang ina, ang kanyang mga kapatid ay hindi man lamang nagpakita ng pagtanaw ng utang na loob sa magulang. Binigyan ni Alberto ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Ang sabi ng abugadong di Amado, tungkulin daw ng isang ina na magtiis alang-alang sa kanyang mga anak. Ang sagot ni Impong Huli ay karapatan ba ng bawat anak na magpahirap at magwalang bahal sa kanyang ina. Ang sabi naman ng doktor  na si Octavio ay wala siyang magagawa sapagkat ayaw niyang masira ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa. Ang tugon ni Impong Huli kay Octavio. "Kung mawala ang iyong ina ay wala na siyang makakapalit." Hindi nakakibo ang doktor. Humingi ng tawad si Don Jose sa ina gayundin ang dalawang babae. Tinawag ni Impong Huli ang mga anak at niyakap. Sinabi niyang pinatatawad na niya ang mhga ana. ang mga anak ay makatitiis sa magulang ngunit ang magulang ay hindi makatitiis sa anak. Masayang nagsalu-salo ang lahat.

Pagkaraan ng ilang araw ay idinaos ang kasal nina Alberto at Luring. Si Luring ang kapitbahay ni Impong Huli sa kanyang dating tirahan na laging dumaramay sa matanda. Siya nag pinili ni Alberto na maging kasama sa buhay dahil sa bukod sa talagang may pag-ibig siya sa dalaga ay napakabuti nito sa kanyang pinakamamahal na ina. Maligayang namuhay si Impong Huli sa piling ng mapagmahal na mag-asawang Alberto at Luring.

CONVERSATION

0 (mga) komento:

Post a Comment

Back
to top